MMFF parade of stars 2025, nakatakdang isagawa sa Dec. 19 sa lungsod ng Makati

Nakatakdang isagawa sa December 19 ang ika-51 na edisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2025 sa Makati City.

Masisilayan sa naturang pagdiriwang ang makukulay na floats at cast ng walong opisyal na MMFF entries, kabilang na ang “Bar Boys: After School,” “Call Me Mother,” “Rekonek,” “Manila’s Finest,” “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins,” “I’m Perfect,” “Love You So Bad,” at “Unmarry.”

Tinatayang aabot sa 8.4 kilometro ang ruta ng parada na tatagal ng isang oras at 40 minuto.

Magkakaroon din ng meet-and-greet kasama ang mga artista, pati na rin mga programa at performances sa Circuit Makati.

Magsisimula ang parada ng alas-1 ng hapon sa Macapagal Boulevard at daraan sa Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street, at A. Reyes Avenue, at magtatapos sa Circuit Makati.

Una nang sinabi ni MMDA at MMFF Concurrent Chairman Atty. Don Artes na layunin ng parada na dalhin ang sigla ng Filipino cinema sa Makati, kasabay ng temang “A New Era for Philippine Cinema.”

Facebook Comments