Manila, Philippines – Sa kabila ng pag-pull out ng pelikulang ‘Ang Larawan’ sa ilang sinehan, ito ang itinanghal na Best Picture sa 2017 MMFF awards night kagabi.
Naiuwi rin ng pelikula ang awards para sa Best Musical Score, Best Production Design, pati na rin ang Best Actress para kay Joanna Ampil.
Habang itinanghal naman na best actor si Derek Ramsay para sa “All of You”.
Humakot naman ng awards ang pelikulang “Siargao” kung saan nanalo ng Best Director si Paul Soriano.
Bukod dito, inuwi rin ng pelikulang ‘Siargao’ ang mga Award For Best Sound, Best Original Theme Song, Best Editor, Best Cinematography, Second Best Picture, at ang Best Supporting Actress para sa pagganap ni Jasmine Curtis-Smith sa nasabing pelikula.
Samantala, ilan pa sa mga nanalo sa 2017 MMFF awards night ay ang mga sumusunod:
Best Float – Deadma Walking
Best Child Performer – Baby Baste (Meant To Beh)
Best Visual Effects – Ang Panday
Best Screenplay – All of You
Children’s Choice Award – Ang Panday
FPJ Memorial Award – Ang Panday
Best Supporting Actor – Edgar Allan Guzman (Deadma Walking)
Best Supporting Actress – Jasmine Curtis-Smith (Siargao)
Full Length People’s Choice Award – The Revenger Squad
Posthumous Jury Prize – Nick Joaquin (Ang Larawan)
Special Jury Recognition – Rodel Nacianceno (Ang Panday)
Stars of the Night – Derek Ramsay and Erich Gonzales