MMFF | Unang batch ng mga pelikulang kasali sa MMFF 2018, pinangalanan na

Manila, Philippines- Inilabas na ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang unang batch ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ito ay kinabibilangan ng “Aurora” na pinagbibidahan ni Anne Curtis, “Fantastica: The Princes, The Prince and The Perya” tampok sina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio at Maymay Entrata

Kasali rin ang “Girl in the orange dress” nina Kim Chui, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Sam Milby at “Popo En Jack: The Puliscredibles”nina Vic Sotto at Coco Martin.


Ayon kay ang MMFF Selection Committee Head at National Artist na si Bienvenido Lumbera, mula sa 24 scripts, napili ang apat na pelikula base sa mga criteria: Artistic Excellence (40%), Commercial Appeal (40%), Filipino Cultural Sensibility (10%) at Global Appeal (10%).

Pipiliin naman ang apat pang pelikula na kukumpleto sa official 8 sa mga natapos nang pelikula na ang deadline ay sa September 21.

Facebook Comments