Mga empleyado ng MRT-3, sumailalim sa RT-PCR mass swab testing ngayong araw kasunod ng pagbabalik-operasyon nito matapos ang Holy Week maintenance shutdown

Sumalang sa RT-PCR mass swab testing ang mga empleyado ng MRT-3 kasabay ng pagbabalik-operasyon nito ngayong araw.

Pinangunahan mismo ito ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati.

Bahagi ito ng gagawing pag-iingat ngayong balik-operasyon ang MRT-3 matapos ang annual Holy Week maintenance activity.


Sa ngayon, tanging mga empleyado na nagnegatibo sa COVID-19 ang pinapayagang pumasok sa depot office at sa mga istasyon.

Ang mga nagpositibo sa COVID-19 at kanilang mga close contact ay hindi pinapayagang makapasok sa MRT-3 premises upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsusuot ng full-gear PPE, regular na temperature checking, at pagsa-submit ng health declaration forms sa mga empleyado sa depot at mga istasyon ng linya bilang health and safety protocols kontra COVID-19.

Facebook Comments