Labing anim (16) na lamang na mga Pilipino sa Singapore ang may aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon sa Philippine Embassy sa Singapore, ang naturang mga Pinoy ay kasalukuyang nasa community isolation facilities at ang ilan ay nasa ospital.
Umaabot naman sa 604 na Pinoy workers doon ang gumaling sa COVID-19.
Bahagya na ring niluwagan ang restrictions ngayon sa Singapore kung saan pinapayagan na ang pagtitipon sa mga pampublikong lugar hanggang lima katao.
Dinagdagan na rin ang capacity hanggang 50% na pwedeng pumasok sa mga museum, public library, attraction at shows.
Simula sa June 21 ay maaari na ring kumain sa mga restaurant sa Singapore.
Facebook Comments