MNLF Chairman Misuari, nakipagpulong kay Pangulong Duterte kahapon

Manila, Philippines – Nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Palasyo ng MalacaƱang si Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari.
Batay sa larawn na inilabas ng MalacaƱang Photo Bureau, kasama ni Pangulong Duterte ang ilang matataas na opisyal ng MNLF at kabilang din ang ilang Gabinete ng Pangulo.
Wala din namang inilalabas na detalye Presidential Communications Operations Office sa naganap napulong ng Pangulo kasama si Misuari.
Matatandaan na blangko parin ang media sa detalye ng naganap na pulong din kahapon sa MalacaƱang kung saan hinarap ni pangulong Duterte ang mga may-ari ng mga Mining Companies sa Bansa kung saan inilabas ni Pangulong Duterte ang kanyang Updated o Bagong Drug List o listahan ng mga personalidad na sangkot sa operation ng iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments