Manila, Philippines – Nanawagan ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan na imbestigahan ang ilang pulis na posibleng nagkakanlong pa sa bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay MNLF legal counsel and spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla, patunay dito ang pagkakaaresto sa pulis na si Supt. Maria Cristina Nobleza at sa nobyo nitong ng bomb expert na si Reener Lou Dongon na may sabwatan sa pagitan ng Abu Sayyaf at ilang tao sa gobyerno.
Naniniwala din ang MNLF na nakakuha ng malaking pera ang Abu Sayyaf kaya tinangka nitong palawakin pa ang kanilang grupo sa Visayas.
Una nang sinabi ng Philippine National Police na isolated case lamang ang pagkakasangkot ni Supt. Nobleza sa teroristang grupo.
DZXL558
Facebook Comments