MNLF, tumutulong na rin sa paghahanap sa labi ng German National na Kidnap Victim ng Abu Sayyaf Group

99

MANILA, PHILIPPINE – Tumutulong na rin ang Moro National Liberation Front sa paghahanap ng bankay ni Juergen Kanther, ang German hostage ng Abu Sayyaf Group.

Ito ay sa harap na rin ng mga naglalabasang unconfirmed reports na ang Aleman ay pinugutan umano ng ulo kahapon ng Abu Sayyaf bandang 3:30 sa Indanan, Sulu, makalipas ang itinakda nilang deadline sa pagbabayad ng ransom. 

Ayon Kay AFP Pao Chief Marine Col. Edgard Arevalo, patuloy na sinisikap ng militar sa tulong narin ng mga local authorities na beripikahin ang naturang ulat. 

Tiniyak naman ni Arevalo na patuloy search and rescue operation ng militar upang mailigtas ang lahat ng bihag ng terroristang grupo. 

Binigyang diin ni Arevalo na hanggang walang nare-recover na bangkay, hindi makukumpirma ng militar na pinugutan na ang Abu Sayyaf ang kanilang bihag na Aleman.





Facebook Comments