Manila, Philippines – Bumuwelta ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na pwedeng kasuhan si MNLF founding chairman Nur Misuari.
Ito ay matapos magbanta si Misuari na magdedeklara ng giyera sa gobyerno kapag hindi naipatupad ang pederalismo.
Ayon kay Atty. Emmanuel Fontanilla, abugado at tagapagsalita ng MNLF, sana ay inintindi na lamang si Misuari sa halip na pagbantaang kakasuhan ng inciting to sedition o rebelyon.
Aniya, matatawag na out of frustration ang naging pahayag ni Misuari na matagal ng umaasa sa mga pangako ng pamahalaan.
Sabi pa ni Fontanilla, handang makipag-usap ang MNLF sa gobyerno para pag-usapan ang problema.
Facebook Comments