MO 32 | Memorandum Order 32 ng pangulo, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Senador

Manila, Philippines – Suportado ni Senator Gringo Honasan ang pagbababa ng Memorandum Order 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagpapadagdag ng tropa ng pamahalaan sa ilang probinsya ng Visayas.

Ayon kay Sen Honasan, responsibilidad naman talaga ng pamahalaan na isaalang alang ang kaayusan at pagpapatupad ng batas sa bansa, lalo na kung nalalagay ito sa alanganin.

Bukod dito, may kakayahan aniyang magbaba ng ganitong mandato ang Pangulo bilang Presidente ng bansa.


Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, bagama’t nagtataka rin siya kung bakit kailangan pang magbaba ng Memorandum ng Pangulo gayung pwede naman itong magdeploy ng tauhan kahit kailan nito naisin, bilang Commander in Chief, sinabi ni Lacson na dahil mas may access ang pangulo sa intel reports at mga impormasyon sa iba’t – ibang lugar sa bansa, ay mas alam nito kung ano ang dapat gawin.

Samantala, ayon naman kay Senator Kiko Pangilinan, dahil sa MO na ito, lalo lang dadami ang pang aabuso ng Philippine National Police.

Sa hanay aniya ng PNP nagmumula ang lawlessness at ito dapat ang tinututukan ng administrasyon.

Matatandaang ibinaba ng Palasyo ang MO 32 noong Huwebes, upang malabanan ang mga karahasan sa probinsya ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at sa Bicol Region.

Facebook Comments