Nilagdaan ng Presidential Communications Office (PCO), Philippine Information Agency (PIA), at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang isang Memorandum of Agreement o MOA para mas maging epektibo ang pagpapakalat ng impormasyon patungkol sa effort ng gobyerno sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.
Sa talumpati ni PCO Secretary Cheloy-Garafil sa ginanap na MOA signing, inihayag nitong mahalaga ang epektibong komunikasyon lalo na sa mga conflict affected areas.
Sinabi ng kalihim na umaasa syang ang partnership na ito ay makakatulong para mapalakas ang loob ng mga dating mga rebelde at kanilang pamilya.
Naniniwala si Garafil na ang collective effort na ito ay makakapagpabago ng isang indibidwal at komunidad para sa kapayapaan, pagkakaisa at kasaganaha ng bansa.
Sa ilalim ng MOA ang PCI ang co-lead agency of the National Task Force to End Local Communist Armed Group (NTF-ELCAC), na tututok sa pag-develop at pagpapatupad ng comprehensive strategic communications plan kasama ang OPAPRU at PIA.
Ilan sa pangunahing responsibilidad nila ay developing, conceptualizing, at producing IEC material; at pagbuo ng online presence ng Local Peace Engagements (LPE) at Transformation Program (TP) ng OPAPRU gamit ang PCO at mga attached agencies.