MOA sa pagitan ng PNP at NBI para sa gagawing joint investigation na may kinalaman sa mga illegal drug operations, welcome sa PNP

Nangako ang Philippine National Police (PNP) nang buong pakikiisa at suporta para sa imbestigasyon maging sa pagsasampa ng kaso na may kinalaman sa iligal na droga katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ito ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos ihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbuo ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PNP at NBI para sa pagsasagawa ng isang joint investigation na may kaugnayan sa war on drugs.

Ayon kay PNP chief, itinuturing nilang milestone ang naturang hakbang dahil sa maitataguyod nito ang transparency at accountability sa kanilang hanay na siyang magpapanumbalik sa magandang imahe ng PNP bilang isang organisasyon.


Una rito, sinabi rin ni Guevarra na papapasukin din nila sa joint investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sakaling kailanganin lalo na sa pakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga biktima maging sa kanilang mga testigo.

Matatandaang na-review na ng Department of Justice (DOJ) ang dokumento ng 52 na drug related killings kaugnay sa war on drugs na ibinigay ng PNP.

Facebook Comments