MOA SIGNING PARA SA 5TH LUZON MANGO CONGRESS, ISINAGAWA

CAUAYAN CITY – Nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng United Luzon Mango Stakeholder Association Inc. at ng Lokal na Pamahalaan ng Echague para sa pagdaraos ng 5th Luzon Mango Congress at 1st Cagayan Valley Fruit Congress sa bayan ng Echague, Isabela.

Kasama sa mga lumagda sa kasunduan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry Southern Isabela Chapter, Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Department of Agriculture (DA), at Department of Trade and Industry (DTI).

Nilalayon ng proyekto na masolusyunan ang mga hamon sa industriya ng mangga sa Luzon at mapalakas ang ugnayan ng fruit industry sa rehiyon ng Cagayan Valley.


Ayon kay Echague Municipal Mayor Francis Faustino Dy, malaki ang maitutulong ng proyektong ito para sa mga magsasaka kaya’t patuloy ang suporta ng kanilang lokal na pamahalaan sa taunang Mango Congress.

Dagdag pa rito, inaanyayahan ni Mayor Dy ang lahat na dumalo sa Mango Congress na nakatakdang ganapin mula Marso 3 hanggang 5, 2024, sa bayan ng Echague, Isabela.

Facebook Comments