MOA signing sa pagitan ng PNP at LRTA, isinagawa para sa patuloy na police visibility sa LRT

Manila, Philippines – Pinalakas pa ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang koordinasyon sa pagpapanatili ng mahigpit na seguridad sa mga estasyon ng Light Rail Transit o LRT.

Ito ay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement na pinirmahan nina LRTA Administrator Gen. Reynaldo Berroya at PNP Chief Ronald Dela Rosa sa LRT- 2 Araneta Center –Cubao Station.

Nakasaad sa MOA una ang hiling ng LRTA sa PNP na maglagay ng Police Assistance Desks sa mga LRT stations; pangalawa magbibigay ang LRTA ng libreng uniporme sa mga pulis na itatalaga sa mga LRT stations.

Pangatlo, magbibigay ang PNP ng mga materials may kaugnayan sa crime prevention tips at iba pang programa.

Sa kabuuan layon ng kasunduaang ito na maiwasan ang anumang krimen sa loob at bisinidad ng lahat ng LRT stations.

Facebook Comments