MOA ukol sa voter’s education para sa plebisito ng BOL, pinirmahan na

Manila, Philippines – Nilagdaan na ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPPAP) at Commission on Elections (Comelec) kasama ang Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang Memorandum of Agreement para magsagawa ng information, education, and communication campaign para sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa susunod na taon.

Tiniyak ni OPPAP Secretary Carlito Galvez Jr. na sa pamamagitan ng voter’s education ay mabibigyan ang mga botante at publiko ng wastong at napapanahong impormasyon ukol sa plebisito.

Ang partnership ng kanyang opisina, poll body at ng BTC ay makasisigurong maayos na maisasagawa ang plebisito.


Sa January 6, 2019 isasagawa ang plebisito sa ARMM, Cotabato City at Isabela City habang sa February 6, 2019 gagawin ang plebisito sa Lanao del Norte, North Cotabato at sa mga lugar na may petition for inclusion na pagbibigyan ng Comelec.

Facebook Comments