Mobile App na kayang mag-BOOK ng Tricycle, Ilulunsad sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ilunsad ng lokal na pamahalaan ang mobile application na ‘PARA APP’ na layong makatulong sa dagdag kita ng mga Tricycle Driver sa lungsod ng Cauayan.

Ayon kay City Councilor Telesforo “Porong” Mallillin, Chairman ng Committee on Transportation and Communication, nakikipag-ugnayan pa rin ang LGU sa PARA Safe Corporation para sa proyektong ito.

Sinabi pa ng konsehal, tulong ito sa mga tsuper para madagdagan ang kanilang kita lalo pa’t limitado ang pasaherong naisasakay bunsod ng pandemya.


Kasalukuyan naman ang pagtukoy sa mga tricycle driver na gumagamit ng smartphone na siyang uunahing isabak sa pagsasanay sa paggamit ng App.

Una nang nakipag-ugnayan ang LGU sa kumpanya na mapautang ang mga tricycle driver na walang smartphone upang makabili ang mga ito.

Nakatakda namang magpulong ang naturang kumpanya at LGU para pag-usapan ang planong ito na higit na mabebenepisyo ang mga maliliit na tsuper.

Ang “PARA App” ay isang tricycle-hailing app na ginagamit na pampara o pang-book ng mga pampasaherong tricycle ngunit maari din itong gamitin na pang-deliver ng pagkain.

Facebook Comments