Inilunsad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang isang mobile app na layong tulungan ang mga indibidwal na nangangailangan ng organ donor.
Ang “IHOPE app” ay inilunsad ng NKTI sa ilalim ng human organ preservation effort (HOPE) of the institute na maaaring ma-download sa Google Play.
Ayon kay NKTI HOPE head Dr. Arlene Duque, bukod sa mga pasyenteng nangangailangan ng organ donors, ang mobile app ay maaari ring gamitin at magrehistro sa mga nagnanais naman na maging organ donors.
Ito ay upang maiwasan na rin aniya ang iligal na pagbebenta ng organ ng isang tao.
Nabatid na nasa 112 pasyente ang nakapila para kidney donorship sa NKTI kada taon, kung saan siyam lang dito ang nakakakuha ng organ donor.
Facebook Comments