Sinisilip na ng Department of Science and Technology (DOST) na bumuo ng isang mobile application na gagabay sa consumers lalo na sa kanilang kinakain.
Ayon kay DOST Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) Director for Socio-Economics Research Division Dr. Ernesto Brown, mayroon ng technical working group na siyang magde-develop ng ‘Planetary Health Diet Plus App.’
Layunin ng mobile app na resolbahin ang unhealthy eating habits ng mga Pilipino.
Bibigyan ng kaalaman ang mga consumers sa kanilang pinipiling pagkain batay sa kanilang biological information, nutritional at health benefits, at impact sa kita ng mga magsasaka at kalikasan.
Makakatulong din itong mapalakas ang local food system para matiyak ang food security sa bansa.