Mobile app para matukoy ang tamang abono sa isang pananim, inilunsad ng BSWM

Naglunsad ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng Fertright Mobile app para sa mga magsasaka.

Ayon kay Dr. Gina Nilo, ang Director ng BSWM, ito ay para mapadali ang pagbibigay ng rekomendasyon sa kung anong klaseng abono ang gagamitin sa kanilang pananim.

Napakahalaga raw ng naturang app para masiguro na tamang uri, tamang amount at masusunod ang tamang timing sa paglalagay ng abono.


Sa loob lang daw ng isang minuto, makakapag generate na ang app ng crop at specific fertilizer, gayundin ang recommendations.

Subalit upang magamit ang app, kinakailangan munang dumaan sa soil testing ang kanilang lupa gamit ang soil test kit mula sa BSWM na ipinamimigay rin nila ng libre.

Maaari itong ma-download ng libre sa Google play store, at maaaring gamitin kahit offline o walang internet.

Facebook Comments