Mobile app para sa crab fishermen, binuo

Bumuo ng isang mobile application ang De La Salle University (DLSU) Center for Environment and Natural Science Research at College of Computer Studies na makakatulong sa mga mangingisda.

Ito ay tinatawag na “crabifier” na layuning ayudahan ang mga mangingisda sa pagtukoy ng mga alimasag o alimango.

Ang mobile app ay gagamit ng smartphone camera para alamin kung anong klase ang mga sinusuring crab species, serrata tranquebarica, o olivacea.


Kaya rin nitong tukuyin ang specie kahit mga crablets pa lamang ang mga ito o baby crab.

Ang crabifier ay maaaring ma-download sa Google Play Store.

Facebook Comments