Mobile application na magbibigay ng traffic, flood at emergency updates, target ilunsad ng MMDA sa Disyembre

Manila, Philippines – Bubuo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang mobile application na magbibigay update sa publiko tungkol sa lagay ng trapiko, baha at paghahanda sa mga sakuna.

Ito ay matapos lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) si MMDA Chairman Danilo Lim at ang president and CEO ng Media Quest Holdings, Inc. na si Atty. Ray Espinosa.

Sa ilalim ng MOA, magkatuwang ang MMDA at Media Quest sa pag-develop ng mobile app na magbibigay access sa mga user ng traffic situations sa mga pangunahing lansangan.


Mga impormasyon tulad ng road conditions, road repairs, floods, pasig river ferry system at iba pang public transport schedules.

Magkakaroon din ang app ng earthquake preparedness updates.

Target ilunsad ang app sa Disyembre.

Facebook Comments