Mobile at internet banking ng BPI, may kaunting aberya pa rin

Manila, Philippines – Bagama’t naayos na ang problema, aminado ang BPI na mabagal pa rin at may ilang hindi pa maka-access sa kanilang mobile at internet banking.

Dahil umano ito dami ng kliyenteng gumagamit ng mobile at internet banking kasunod ng system glitch.

Available naman na ang mga Automated Teller Machines (ATMs) ng BPI.


Sa mga susunod na araw, tiniyak ng BPI na unti-unting babalik sa normal ang sitwasyon.
DZXL558

Facebook Comments