Mobile bar business, unti-unti nang nakakabawi sa pagsisimula ng 2021

169

Medyo nakakabawi na ngayon ang ilang negosyo na may kaugnayan sa events kagaya ng mobile bar matapos na matagal na matigil dahil sa COVID-19.

Sa interview ng Business as Usual ng Usapang Trabaho dito sa Radyo Trabaho, ikinwento nina John Patrick Borres at Allen Luigy Fuellas, may-ari ng Barikit mobile Bar na aminado silang nahirapan sila noong unang magpatupad ng mga lockdown.


Ayon kay Fuellas, mula noong nakaraang buwan ay nagsimula na ulit sila at mayroon nang mga kumukuha sa package ng kanilang mobile bar para sa mga events.

Sa ngayon, may offer aniya silang package para sa 50 hanggang 100 katao kung saan kasama na dito ang iba’t ibang cocktails, at mga signature drinks ng Barikit Mobile Bar.

Facebook Comments