Ilulunsad ng San Carlos City ang mobile birth registration ngayong Disyembre 10-12 upang mapadali ang pagpaparehistro ng kapanganakan, lalo na para sa mga may delayed registration at benepisyaryo ng birth registration assistance program.
Tatlong barangay ang nakatakdang puntahan ng mobile team para sa libreng delayed birth registration, pag-award ng Certificate of Live Birth sa mga benepisyaryo, at National ID registration.
Kasama rin sa aktibidad ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa civil registration laws, rules, and regulations.
Kabilang sa mga pangunahing requirement ang baptismal at school records, anumang valid ID o barangay certification, affidavit ng dalawang testigo, community tax certificate, at iba pang dokumentong magpapatunay sa pagkakakilanlan at kapanganakan ng aplikante.
Ayon sa pamahalaang panglungsod, bahagi ito ng pagpapatuloy ng mga programa upang gawing mas accessible at mas mabilis ang civil registration services para sa mga residente ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









