MOBILE BLOOD DONATION PROGRAM, ISASAGAWA SA SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng Mobile Blood Donation Program sa Brgy. Plaridel, Santiago City ngayon araw ika-27 ng Agosto taong kasalukuyan.

Ang nasabing programa ay bahagi ng Dugong Buhay, Dugtong Buhay Mobile Blood Donation Program kung saan hinihimok lahat ng nais sumali at mag-donate ng dugo.

Ito ay inisyatibo ng Lungsod ng Santiago kasama ang City Health Office sa pakikipagtulungan ng Southern Isabela Medical Center.


Samantala, magsisimula ang nasabing blood donation mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Facebook Comments