MOBILE BUSINESS REGISTRATION NG DTI, UMARANGKADA SA BENITO SOLIVEN

Cauayan City, Isabela-Naglunsad ng isang Mobile Business Registration ang Department of Trade and Industry – Negosyo Center Benito Soliven kamakailan sa Barangay Maluno Norte, Maluno Sur at Yeban Norte.

Bahagi ng isang buwang pag-iikot ng mga ahensya ang suyurin ang bawat barangay ng Benito Soliven, kasama na rin ang gagawing pagsusuri ng BFP sa mga negosyanteng nagtitinda ng bote-boteng gasolina at LPG.

Mahigit kumulang apatnapung (40) negosyo ang naitala, na karamihan ay bagong negosyo simula nang ilunsad ang naturang programa.

Tiniyak naman na sa pagpapatuloy ng Mobile Business Registration sa mga susunod pa na araw ay sisiguruhing mairerehistro ang mga negosyo para patuloy na mapangalagaan ang mga karapatan sa lugar.

Ang programa ay dinaluhan nina OIC-BPLO Robert Esteban ng Business Permitting and Licensing Office, OIC-Treasurer Nickson Reyes ng Municipal Treasurer’s Office, Municipal Environment and Natural Resources Officer Engr. Joshua Ramirez, SFO3 Benjamin Amistad Jr. ng Bureau of Fire and Protection, at ni Mark Elmo Hermoso, ang Junior business Counselor ng DTI- Negosyo Center Benito Soliven.

Facebook Comments