Naabot ng Pilipinas ang ika-60 pwesto mula sa 228 bansa sa mundo na may pinakamurang mobile data.
Ito ang batay sa pag-aaral ng United Kingdom based technology website na cable.co.uk.
Base sa pag-aaral, lumalabas na sa pagdating sa average, ang 1 gigabyte (GB) ng mobile data sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng $1.42 o katumbas ng halos ₱70.
Ang pinakamurang 1GB mobile data ay nagkakahalaga ng $0.95, habang ang pinakamahal ay nasa $7.87.
Lumabas sa pag-aaral na ang mga bansang may pinakamurang mobile data ay India, Israel, Kyrgyzstan, Italy at Ukraine.
Ayon sa consumer telecoms analyst na si Dan Howdle, karamihan sa mga bansang may murang mobile data ay maaring nasa isa sa dalawang kategorya.
May ilang bansa ang mayroong mahusay na mobile at fixed broadband infrastructure kaya ang mga provider ay nakakapagbigay ng malaking data sa murang halaga.
Ang ibang bansa naman ay mayroong hindi maayos na serbisyo ng broadband networks kaya nakadepende sa mobile data.
Ang mga bansa sa mundo na may pinakamahal na mobile data ay Sao Tome and Principe, Bermunda, Nauru, Falkland Islands at Saint Helena.