Mobile detention, nakahanda na para sa mga pasaway na protesters – NCRPO

Nakahanda na ang 14 mobile detention ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sakaling may maarestong pasaway na protester kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero nilinaw ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, na patuloy ang kanilang negosasyon sa mga raliyista para sa mapayapang pagsasagawa ng demonstrasyon.

Kapag may nilabag ang mga nagkikilos protesta at nagresulta sa komosyon, ay dito na nila maaaring arestuhin ang mga ito.


Ang mobile detentions ay inilaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa NCRPO.

Tiniyak ni Sinas na nananatili silang naka-alerto sa anumang banta sa seguridad kung saan nasa 7,500 pulis, sundalo at force multipliers ang naka-deploy.

Bibigyan din ng protective gears ang mga anti-riot police para maprotektahan nila ang kanilang sarili mula sa COVID-19.

Facebook Comments