Mobile Jail, ide-deploy ng PNP para sa manggugulo sa inagurasyon ni President-elect Marcos Jr.

Magde-deploy ng Mobile Jail ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Maynila para sa mga manggugulo sa inaugurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ito ni NCRPO Director Police Major General Felipe Natividad sa press conference sa Camp Crame Subcommittee on Security, Traffic and Communications for the Presidential Inauguration Sa Camp Crame kaninang umaga.

Ayon kay Natividad isang bus ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kanilang ide-deploy malapit sa inauguration site para magsilbing holding area kung may mga maaresto dahil sa panggugulo.


Ayon naman kay Manila Police District Director Police Brigadier General Leo Francisco na ang pag-aresto sa mga manggugulo ay last resort lang.

Malinaw naman aniya ang mga patakaran sa pagpapahintulot ng rally sa freedom parks at may instructions na ang mga pulis na magpakita ng maximum tolerance.

Kung may magtatangkang lumabas sa designated area, o manggugulo, pakikiusapan muna ito ng mga pulis, at kung magmatigas ay saka lang aniya aarestuhin.

Facebook Comments