Manila, Philippines – Hindi magdadalawang isip ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office na arestuhin ang sinumang mga raliyistang magmamalabis sa kanilang mga gagawing protesta ngayong araw ng SONA ng pangulo.
Sa katunayan ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde nag-deploy sila ng mga mobile jails mula sa Bureau of Jail Management o BJMP para sa gagawing pag-aresto kung kinakailangan.
Nirerespeto aniya nila ang freedom of speech at freedom of assembly pero kung sakaling may maganap na panggugulo ay hindi sila magdadalawang isip na arestuhin ang mga ito.
labing dalawang libong mga raliyista ang inaasahang ng NCRPO ang magsasagawa ng programa malapit sa area na batasan pambansa complex.
Una rito inihayag ni Albayalde na mahigpit nilang ipapatupad ang maximum tolerance kasabay ng inaasahang kaliwat kanang protesta.