Inihayag ng Pamahalaang Lokal ng Taguig na muling aarangkada ang kanilang Mobile Market sa ilang Barangay nito sa mga susunod na araw.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, bukas, April 28, nasa Barangay New Lower Bicutan ang kanilang Mobile Market at sa April 30 naman dadalhin nila ito sa Barangay Ususan.
Magsisismulang buksan ang mobile market mula alas-8:00 ng umaga at magsasara ng alas-singko ng hapon o hanggang maubos ang supply nito.
Ito ay katuwang aniya ang Department of Agriculture o DA sa pamamagitan ng Kadiwa on Wheels.
Sinabi ng alkalde na maaaring makita ang mga susunod na schedule ng Mobile Market sa kanilang official Facebook account.
Paalala lang niya sa mga residente nito na panatilihing pa ring sundin ang social distancing at magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay.
Samantala, ang Taguig City ay meron ng 221 confirmed cases ng COVID-19, 15 na ang nasawi, at 26 naman ang nakarecover na. it ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office (CHO).