Aabot na sa 42 barangay sa National Capital Region o NCR ang naikutan na ng Mobile Material Recovery Facility o MMRF ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
Naglalayon itong maibsan ang matinding pagbaha sa kalakhang Maynila sa tuwing bumubuhos ang isang malakas na ulan dahil sa barado ang mga daluyan ng tubig bunsod ng mga nakaharang na basura
Para masolusyunan, maaari nang ipagpalit sa grocery items ang mga makokolektang basura ng MMRF upang hindi na ito itapon pa sa mga daluyan ng tubig tulad ng mga kanal, ilog at sapa.
Ilan sa mga naikutan na ng MMRF ay ang mga barangay ng Almanza Uno sa Las Pinas; Pio del Pilar sa Makati; Addition Hills sa Mandaluyong, Barangay 178 sa Caloocan; Barangay 136 sa Maynila; Niugan sa Malabon at Tumana sa Marikina.
Gayundin sa Bayanan sa Muntinlupa; San Roque sa Navotas; Tambo sa Paranaque; Barangay 181 sa Pasay; Kalawaan sa Pasig; Sta. Ana sa Pateros; Tatalon sa Quezon City; Corazon de Jesus sa San Juan; Lower Bicutan sa Taguig; at Malinta sa Valenzuela.
Sa ilalim ng sistema, bibigyan ng kaukulang puntos ang mga makokolektang “recyclable waste” na maaaring ipagpalit sa de latang pagkain, instant noodles at bigas.