MOBILE OUTREACH PROGRAM NG PRC REGIONAL OFFICE I, MATAGUMPAY

24
Matagumpay ang isinagawang Mobile Outreach Program ng PRC Regional Office I, na nakabase sa Rosales, Pangasinan sa bayan ng Bayambang.
Ito ay pinangunahan ni PRC Supervisor, Dr. Julie Junio kung saan matapos ang dalawang taon ng pandemya sa bayan ay muling nakapaghatid ng serbisyo ang ahensya.
May 315 na kliyente ang nagpunta sa Balon Bayambang Events Center upang tumanggap ng serbisyong dala ng ahensya tulad ng, renewal ng professional ID card (PIC), release ng available PICs at board certificates, initial registration para sa mga pumasa sa examination, aplikasyon para sa licensure examination, at iba pa.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng mga taga bayambang at kalapit bayan dahil sa pagdaraos ng nasabing aktibidad. | ifmnews
Facebook Comments