Mobile palengke ng Pasay City Government, ilalagay sa dalawang barangay ng syudad ngayong araw

Magiikot sa dalawang barangay sa Pasay City ang Pasay Mobile Palengke ngayong araw.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, para maiwasan ang siksikan sa mga palengke at talipapa kaya nila ito ginagawa para maiwasan pa rin ang pagkalat ng COVID-19.

Ang Pasay Mobile Palengke ay may sariwa at murang produkto.


Mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ay magkakaroon ng Mobile Palengke sa may gilid ng Brgy. Hall ng Brgy. 149, Zone 16 na pamumunuan ni Brgy. Capt. Rose Castillo.

Habang maglalagay ng din ng mobile palengke sa Tramo corner tengco sa Brgy. 108, Zone 12 na pamumunuan ni Brgy. Capt. Marcos Arena.

Katuwang ng Pasay City Government sa hakbang na ito ang Department of Agriculture at ang Nutri-Asia para sa gagamiting pantimpla ng pagkain.

Facebook Comments