Mobile patrols ng mga pulis sa mga public places, mas pinaigting kontra COVID-19

Doble kayod ang mga pulis sa pagsasagawa ng mobile patrol sa mga matataong lugar katulad ng palengke para sawayin ang mga taong patuloy naguumpukan at hindi ginagawa ang social distancing.

Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, isang buwan nang ginagawa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) pero marami pa rin ang hindi ginagawa ang social distancing.

Giit ni Eleazar, mawawalan ng saysay ang isang buwang ECQ kung marami pa rin ang lumalabag dahil malaki ang posibilidad na magkahawa-hawa pa rin ng COVID-19.


Kaya naman utos ni Eleazar sa mga pulis na paigtingin ang pagpapatrolya sa bawat sulok ng barangay kasama ang mga barangay tanod.

Panawagan din nito sa publiko na i-report sa kanila ang sinumang makikitang patuloy na naguumpukan ngayong panahong umiiral pa rin ang ECQ.

Aniya ireport sa kanilang hotlines 0998-849-0013 sa Smart users at 0917-538-2495 sa Globe users O kaya mag email sa email address na ncovmonitoring@gmail.com.

Facebook Comments