Mobile PCR test ng Taguig, muling umikot sa ilang barangay nito

34

Muling umarangkada ngayong araw ang mobile PCR test laban sa COVID-19 ng Taguig City sa ilang mga barangay ng lungsod.

Ngayong araw, pinuntahan nito ang mga barangay ng Bagumbayan, Hagonoy, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, San Miguel, South Signal at Tuktukan.


Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang nasabing test ay libreng makukuha ng mga residente ng lungsod.

Huwag naman daw aniya mag-alala kung hindi nakapag-test sa kanilang mobile PRC test, dahil pwede naman silang magpa-COVID-19 test sa mga health center ng bawat barangay ng lungsod.

Bukas din aniya tuwing Miyerkules at Biyernes ang kanilang drive-thru testing.

Payo niya sa mga residente nito na bisitahin ang official Facebook account ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig upang malaman ang schedule ng kanilang libreng mobile PCR test.




Facebook Comments