Mobile storage units na pansamantalang pasilidad ng mga pasyente matapos ang malakas na lindol, naitayo na sa Tagum City

Naitayo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga mobile storage units (MSU) sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City.

Matapos ang pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental nitong Biyernes, October 10.

Ang mga itinayong MSU ay magsisilbing pansamantalang pasilidad ng mga pasyenteng inilikas dahil sa lindol at sunud-sunod na aftershocks.

Ang pagpatayo ng MSU ay sa pagtutulungan ng DSWD at World Food Programme (WFP) upang matiyak na may ligtas at maayos na matutuluyan ang mga pasyenteng apektado ng nagdaang lindol.

Facebook Comments