Mobile Testing Truck, ikinasa ng Taguig City Government

19

Mas magiging madali na para sa mamamayan ng Taguig ang magpa-COVID-19 test.

Ito ay makaraang ilunsad ng Taguig City Government ang Mobile Testing Truck.


Malaking tulong ito lalo na sa mga Taguigeño na nais sumailalim sa COVID-19 test pero walang access sa mga Barangay Health Centers.

Tiwala si Mayor Lino Cayetano na sa pamamagitan nito ay mas mapapalawak pa ng Taguig ang testing capacity para manatili bilang lungsod sa Metro Manila na may pinakamababang bilang ng COVID-19 fatality and attack rate.

Ang schedule ng Mobile Testing Truck ay makikita sa “I Love Taguig Facebook page.”

Facebook Comments