Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga government agencies na maglunsad ng vaccination caravan na nakatutok sa informal settlers.
Sa kanyang lingguhang public address, batid ni Pangulong Duterte na maraming tao, lalo na ang mga mahihirap ang nawawalan ng pag-asa dahil sa pinahabang lockdown.
Pagtitiyak ng Pangulo na kapag natapos ang pagpapabakuna sa mga health workers at senior citizens ay sila na ang isusunod sa vaccination program.
Nakiusap siya sa government officials na hayaan ang mga mahihirap na makatanggap ng bakuna.
Nais ni Pangulo na umarangkada ang mobile vaccination sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
Pero sagot ni Health Secretary Francisco Duque III na kailangang tingnan ang ilang isyu tulad ng kawalan ng manpower, pagbabantay sa side effects at limitadong supply ng bakuna.
Gayumpaman, ang mga informal settlers ay prayoridad kapag nakakuha na ang bansa ng sapat na bilang ng bakuna.