Mobile vaccination program ng Philippine Red Cross, umarangkada na

Umarangkada na ang mobile vaccination for Measles program ng Philippine Red Cross (PRC) sa gamit ang UBE Exress ng Bert Lina Group of Companies.

Ang UBE Express ay ginawa para salubungin ang pangangailangan sa pagbabakuna at iba pang mobile health services.

Maaari itong gamitin para sa Vitamin A administration, well-baby clinics, out-patient consultations para sa mga may hypertension at diabetes, TB diagnosis at pre-natal care.


Ayon kay PRC Chairman & CEO Senator Richard Gordon, malaki ang maitutulong ng nasabing sasakyang sa pag-abot sa mga malalayong komunidad para mamahagi ng bakuna.

Sakay ng UBE Express ang isang doktor, 6 na nars, 1 medical technologist, 4 na assistant para sa IT/medical records, communication officer, logistics officer at security officer.

Samantala, batay sa huling tala ng PRC, umabot na sa 108, 184 na mga bata ang nabigyan ng bakuna kontra Measles-Rubella at Polio kung saan nalampasan nila ang target para buwan ng Pebrero.

Sa tulong din ng 1, 363 na volunteers, naabot na ng PRC ang halos 449 communities sa 78 na siyudad at munisipalidad sa suporta pa rin ng IFRC, American Red Cross, Canadian Red Cross, at Netherland Red Cross.

Facebook Comments