Mobile vaccination service ng Marikina, umarangkada na ngayong araw

Umarangkada na ang Mobile Vaccination Service sa Marakina City matapos itong ilunsad ngayong araw.

Layunin nito na mapabilis ang pagbakunahan sa lungsod laban sa COVID-19.

Aniya, isa ito sa mga inisyatibo ng lungsod kaugnay sa kanilang COVID-19 vaccination drive kung saan katuwang nito ang Philippine Red Cross (PRC).


Dahil dito, umaasa si Kapitan Bob Pamisa na makatutulong ito na mabakunahan lahat ang pwedeng mabakunahan sa kanyang barangay laban sa COVID-19.

Sa tala ng nasabing Barangay, nasa mahigit 1,000 mga senior citizen at 6,000 na general population ang target nilang mabakunahan upang makamit ang herd immunity.

Pero ngayong araw, 300 na indibidwal na residente ng Barangay Tanyong ang babakunahan sa Mobile Vaccination Service.

Facebook Comments