Mobility assets ng PNP, ipinakalat na sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine

 

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nilang rumesponde sa hagupit ng bagyong Kristine.

Ayon kay PGen. Rommel Francisco Marbil, nagpakalat na sila ng mobility assets sa iba’tibang lugar sa bansa lalo na sa mga hinahagupit ngayon ng bagyo.

Ani Marbil, nakapwesto na ang kanilang mga tauhan sa mga apektadong lugar para sa disaster response efforts at magbigay ng humanitarian assistance.


Giit nito, prayoridad ng Pambansang Pulisya ang kaligtasan ng publiko at tumulong sa mga apektado ng bagyo.

Patuloy namang paalala ng pulisya sa mga residenteng nakatira sa mga low lying area, flood prone at landslide prone areas na agad na lumikas upang makaiwas sa anumang panganib o sakuna.

Facebook Comments