Mobilization exercise ng Naval Forces Northern Luzon, sinimulan sa Cagayan

Inilunsad kahapon ng Naval Forces Northern Luzon ang kanilang apat na araw na Mobilization Exercise o MOBEX 2023, sa Naval Base Camilo Osias, Santa Ana, Cagayan.

Layon nito na mahasa ang kapabilidad ng Naval Reserve Force, bilang paghahanda sa anumang kaganapan na mangangailangan ng mabilisang mobilisasyon ng mga pwersa.

Ang pagsasanay ay naka-tuon sa scenario ng isang malakas na undersea quake na tumama sa lalawigan ng Cagayan at nakapinsala sa libo-libong mga residente.


Dito’y nasubukan hindi lang ang kakayahan ng mga tropa sa humanitarian and disaster relief operations, kundi maging sa pag-kontra sa lawlessness elements sa panahon ng sakuna.

Ang unang bahagi ng ehersisyo ay ang pre-mobilization stage na kinabibilangan ng pagtatatag ng responsive organizational structures, mahusay na administrasyon, sustainable logistics at naangkop na pagsasanay.

Kasama na dito ang pag-ayos ng integration ng mga Navy at Marine Reservists sa mga regular na tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments