Mocha Uson, Itinalaga Ng Malacañang Bilang Bagong Boardmember Ng Movie Television Review And Classification Board

22

MANILA – Itinalaga ng Malacañang bilang bagong board member ng Movie Television Review And Classification Board (MTRCB) ang blogger at singer na si Mocha Uson.Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na epektibo ang appointment kay Uson noon pang December 28, 2016 na tatagal lamang hanggang September 30, 2017.Paliwanag ni Andanar, matagal naman na sa showbiz industry si Uson maliban pa sa pagiging influential blogger nito.Kinumpirma naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga kay Uson.Samantala, ayon kay MTRCB Chairman Toto Villareal, natanggap na nila ang appointment letter kay Uson na nilagdaan ni Pangulong Duterte.Gayunman, hindi pa aniya ito ganap na nagsisimulang magtrabaho sa ahensya.

Facebook Comments