Mock bar examinations, idaraos ng Korte Suprema ngayong buwan

Magdaraos ang Korte Suprema ng pilot o mock bar examinations sa katapusan ng buwan, kasalukuyan bilang bahagi ng paghahanda sa digitalized bar exams sa Nobyembre.

Sa Bar Bulletin na pirmado ni Bar Exams Chairperson at Justice Marvic Leonen, sinabi nito na isasagawa ang pilot bar exams sa January 31 sa apat na testing sites na Baguio City, Metro Manila, Cebu at Davao.

120 mga estudyante ang lalahok sa mock bar exams


Ang pilot bar exams ay small-scale simulation ng aktwal na bar examinations na gagamitan ng computer software at virtually at physically proctored.

Layunin nito na mapagbuti ang mga procedure at technical specifications para sa kauna-unahang digital at localized bar exams sa Nobyembre.

Ang mga pre-selected students ay kailangan maghain ng aplikasyon sa online portal ng Supreme Court na bubuksan sa Enero 12 at magtatapos sa Enero 20.

Facebook Comments