Mock elections bilang paghahanda sa 2019 midterm elections, umarangkada na!

Manila, Philippines – Umarangkada na ang mock elections sa animnapung lugar sa bansa ngayong araw.

Ito ay bilang paghahanda sa May 13 midterm elections.

Sa pangunguna ng Commission on Elections, nagsimula ang mock elections kaninang alas-5:00 ng umaga at inaasahang tatagal hanggang ala-1:00 ng hapon.


Kabilang sa animnapung (60) mga lugar kung saan nagsagawa ng mock elections ang Quezon City, Maynila, Pasig, Taguig, Pateros, Valenzuela, Muntinlupa, Pangasinan, Cagayan, Sorsogon, Camarines Sur, Cebu, Bohol, Sulu at Basilan.

Palalawigin naman hanggang alas-6:00 ng gabi ang mock elections sa ilang mga barangay patikular na sa Quezon City na may malaking bilang ng mga botante.

Samantala, mag-iikot din ngayong araw si COMELEC Spokesperson James Jimenez sa ilang mga distrito sa nabanggit na lugar para mag-inspeksyon at mag-obserba sa naturang aktibidad.

Facebook Comments