Walang balak ang Comelec na iatras ang pagsasagawa ng mock elections bukas, Disyembre 29 sa National Capital Region (NCR) at 6 na lalawigan.
Tiniyak ito ng Comelec sa kabila ng inaasahan na mababang turnout ng mga botante dahil sa pandemic protocols.
Partikular na isasagawa ang simulation sa 34 barangays sa Metro Manila, gayundin sa Isabela, Albay, Negros Oriental, Leyte, Maguindanao at Davao del Sur.
Sa isasagawang mock elections, lilimitahan lamang ng Comelec sa sampung botante ang bawat polling precincts para mapanatili ang social distancing.
Sa nasabing simulation din mapag-aaralan ng poll body kung maipapatupad sa May 9, 2022 ang pagsisimula ng botohan ng alas sais ng umaga hanggang alas siete ng gabi para ma-accomodate ang 65.7 million registered voters.