Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pilot testing bukas, August 8, para sa automated elections ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) sa Oktubre.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, gagawin ang mock elections sa: Barangay Palipara at Barangay Zone II sa Dasmariñas, Cavite; at Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.
Ani Garcia, layunin ng aktibidad na masubukan kung kaya ba ng COMELEC na magdaos ng automated na botohan para sa BSKE.
Aniya, nakadepende sa gaganaping pilot testing kung makakapagsagawa ng automated na halalan sa BSKE, habang nakadepende naman sa budget ng komisyon kung magiging automated din ang eleksyon sa 2025.
Samantala, mismong si Garcia naman ang mangunguna sa isasagawang mock elections sa Dasmariñas Cavite bukas.