Manila, Philippines – Nagsimula na ang mock elections ng COMELEC para sa halalan sa Mayo
Isinasagawa ngayon ang mock elections sa 60 polling places sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang dito ang mga presinto sa Barangay Bahay-Toro sa Quezon City, Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig at Brgy. 669 sa Maynila.
Alas-6 kaninang umaga sinimulan ang mock elections sa nasabing mga barangay at ito ay tatagal hanggang alas-sais ng gabi.
Sa 57 polling precincts ay nagsimula rin kaninang alas-sais ng umaga hanggang alas-12 lamang mamayang tanghali.
Mas mahaba ang oras ng mock elections sa Pasig, Quezon City at Maynila dahil marami ang mga botanteng lalahok dito.
Pawang mga dummy ang pangalan na nasa balotang ginagamit sa mock elections kung saan ipasusubok sa kanila ang pagpasok ng balota sa Vote Counting Machines o VCM.
Layon ng mock elections na masubok ang security features, accuracy at integridad ng VCMs at ng Voter Registration Verificafion System o VRVS gayundin ang transmission ng mga boto at ang Consolidation at Canvassing System.