Umarangkada na ang mock voting ng Commission on Elections (Comelec) sa mga piling mall sa bansa, para sa Barangay at SK Elections.
Kasalukuyang isinasagawa ang mock voting sa SM Legazpi, Robinsons Galleria Cebu, Robinsons Place Manila at SM City Manila.
Sa SM Mall Legazpi na lalahukan ng botante mula sa Brgy. Capantawan, ang pagboto ay gagawing 10 kada batch at magtatagal hanggang ngayong oras.
Susundan ito ng canvassing sa oras na matapos ang botohan.
Sa Robinsons Galleria Cebu naman, nasa 50 mga botante mula sa Brgy. Parian ang mga kalahok sa nasabing simulation.
Layunin ng aktibidad na masukat kung maaari bang gawing voting center ang mga mall para sa Barangay at SK Elections.
Facebook Comments